Aprubado na ang umento sa minimum wage ng mga manggagawa sa Western Visayas.
Mula sa 323.50 na minimum wage sa Western Visayas, itinaas na ito sa 365 pesos para sa lahat ng empleyado ng mga kumpanyang mayroong mahigit sa sampung (10) empleyado.
Aabot sa 26.50 ang idinagdag ng Regional Wage Board sa basic wage at labing limang pisong (P15) COLA o Cost of Living Allowance para sa kabuuang umento na 41.50.
Noong Enero ng taong ito naghain ng petisyon ang Philippine Agricultural, Commercial and Industrial Workers-Trade Union Congress of the Philippines para sa isandaan at tatlumpu (P130) hanggang isandaan at limampung pisong (P150) umento sa sahod.
—-