Inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing P5,000 ang minimum na buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagsumite na ng rekomendasyon ang National Productivity Commission na nag-aadjust sa sahod ng mga kasambahay sa kalakhang Maynila sa P5,000 mula sa P3,500.
Aminado si Bello na matagal nang napagiiwanan ang sahod na natatanggap ng mga kasambahay dahil na rin aniya sa mahirap itong imonitor kung nasusunod ba ang tamang pasahod sa kanila.
Sinabi ng kalihim na araw na lamang ang binibilang at maaprubahan din ang taas-pasahod sa mga kasambahay.