Sinuspinde na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang extraction activities ng mga mining company sa Banaybanay, Davao Oriental matapos magdulot ng heavy siltation sa Mapagba at Pinatatagan Rivers.
Layunin ng suspensyon na maprotektahan ang kapaligiran makaraang magkulay orange ang tubig sa dalawang nabanggit na ilog.
Ipinag-utos na rin ni Cimatu sa DENR–Davao Region, Mines Geosciences Bureau at Environmental Management Bureau ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagsusuri sa mga nabanggit na ilog.
Enero a–17 naman nang mag-issue ang DENR ng Cease and Desist Order, Notice of Violation at Show Cause Order sa Riverbend Consolidated Mining Corporation at Arc Nickel Resources.
Pinagpapaliwanag din ng kagawaran ang dalawang kumpanya matapos ang kapansin-pansing pagbabago ng kulay ng mga ilog noong January 14.