Sinimulan na ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang cancellation at suspension order sa 28 mining companies na bumagsak sa isinagawa nilang mining audit.
Kasunod nito, inihayag din ni DENR Secretary Gina Lopez na handa na rin siyang isapubliko ang isinumiteng report sa kaniya ng technical committee.
Mahigpit ang payo ng mga abogado sa kalihim na bigyan ng kopya ang bawat kumpaniya ng minahan na saklaw ng nasabing kautusan.
Nanindigan si Lopez na patas at naaayon sa batas ang isinagawang mining audit sa kabuuang 41 kumpaniya sa bansa.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: DENR Website