Magkakasa ng legal na aksyon ang BNMI o BenguetCorp Nickel Mines Incorporated laban sa DENR matapos kanselahin ang MPSA o Mineral Production Sharing Agreement nito.
Sa kanilang sulat nilinaw ng Benguet Corporation na ang contract area ng BNMI ay nasa loob ng Zambales Chromite Mineral Reservation na labas o wala sa idineklarang watersheds ng gobyerno kasunod na rin ng area clearance na inisyu ng DENR bago pa man ang MPSA approval nuong 2005.
Binigyang diin ng BNMI na bigo ang ang DENR na tukuyin ang partikular na paglabag nila sa kapaligiran lalo nat nabigyan naman sila ng Certification on Environmental Management System nuong march 2016.
Tiniyak ng BNMI na gagawin nila ang lahat para hindi maipatupad ang kautusan ng DENR na pag kansela sa kanilang mining contract.
By: Judith Larino