Nagwagi sa NBA ang Minnesota Timberwolves kontra Golden State Warriors sa iskor na 129- 114.
Tinambakan ng Timberwolves ang Warriors sa 1st, 2nd at 4th quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa koponan si Karl-Anthony Towns na kumadada ng 39 points, 9 rebounds at 1 assists.
Nakaambag din sa Timberwolves ang 22 points na naitala ni D’Angelo Russell at 20 points ni Malik Beasley habang nasayang naman ang 34 points, 5 rebounds at 4 assists ni Stephen Curry ng Warriors.
Abangan naman sa sabado ang susunod na laro ng Timberwolves kung saan, kanilang makakalaban ang Oklahoma City Thunder alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero