Natunaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng Pagasa Weather Bureau sa silangang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Pagasa senior weather specialist Chris Perez, patuloy na makakaranas ng maalinsangang panahon ang maraming lugar sa bansa partikular na sa Luzon Area.
Mainit at maalinsangan din ang mararanasan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao pero posibleng magkaroon ng isolated thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi
Samantala, patuloy namang nakakaapekto ang Inter-tropical Convergence Zone (ITCZ) kaya asahan ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:38 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:27 ng hapon.