Tinamaan ng isang minor tsunami ang hilagang Japan kasunod ng malakas na lindol sa Chile.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, nakapagtala ito ng 12 pulgadang pagtaas ng mga alon sa lungsod ng Kuji.
Subalit, mas mababa ito sa unang ibinabala ng ahensya na 3.3 talampakan na alon na maaaring tumama sa mga tabing dagat.
Matatandaang tinamaan ng napakalakas na tsunami ang Japan noong 2011 na ikinasira ng maraming gusali tulad ng nuclear power plant sa Fukushima at ikinasawi ng halos 16,000 katao.
By Jelbert Perdez