Ituturing ni Minority Leader Teddy Baguilat na sablay ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga kung tatanggalin niya sa pwesto si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Baguilat, ito rin marahil ang tingin ng Pangulo kaya hindi niya pinagbigyan ang hiling ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palitan si Dela Rosa bilang PNP chief.
Si Dela Rosa, aniya, ang lumalabas na tagapagpatupad ng kampanya ng administrasyon kontra iligal na droga .
Bukod dito, sinabi ni Baguilat na charismatic at pinakikinggan ng pulisya si Dela Rosa kaya maaaring mapanghinaan sila ng loob kapag tinanggal ang kanilang hepe.
Gayunpaman, bagamat tutol sa pagpapatalsik kay Dela Rosa bilang PNP chief, sinabi ni Baguilat na dapat niyang lutasin ang umano’y 4000 kaso ng extrajudicial killings, mga pagpatay kina Mayor Rolando Espinosa at Korean businessman Jee Ick Joo, at iba pang krimen.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc