Pag-uusapan ng Minority Bloc ang posibleng pagdulog sa Korte Suprema sakaling mabasura ang isinumite nilang resolusyon na nagsusulong na magsagawa ng joint session para matalakay ang ipinatutupad na Martial Law at suspension ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao
Ayon kay Senador Francis “kiko” Pangilinan, posibleng may pananagutan o epektong politikal sakaling hindi nila gampanan ang kanilang tungkulin na nasa konstitusyon ito ay ang pagpapatawag ng joint session kapag may deklarasyon ng Martial Law.
Idinagdag pa ni Pangilinan na bukas sila sa posibleng pagdulog sa Supreme Court, pero hindi pa nila ito napagdedesisyunan hanggat wala pang pasya ang Senado sa kanilang resolusyon na nananawagan sa pagsasagawa ng joint session .
Iginiit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sa oras na mabasura ang hirit nilang joint session, mas dapat na mag-rule ang high tribunal sa usaping ito
Nagtataka naman si Senador Panfilo Lacson kung bakit kasama na si Drilon sa nananawagan ng joint session para matalakay ang idineklarang Martial Law gayong ito ang nagsabi noon na hindi na kailangang mag-joint session kung wala namang nagpapa-revoke sa Martial Law.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno