Inalmahan din ng minorya sa Senado ang pagda-dawit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Senador Bam Aquino na siyang nasa likod umano ng pagkubkob ng Maute Group sa Marawi City.
Kapwa inihayag nila Minority Floor Leader Franklin Drilon at Liberal Party President Francis Pangilinan na pawang walang katotohanan at walang katuturan ang pinalulutang ng justice chief.
Ayon kay Pangilinan, walang batayan ang pahayag ni Aguirre gayung isa sa kanilang itinanong kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa executive briefing sa kanila ay kung may nag-uugnay sa lp sa insidente ngunit itinanggi naman ito ng security officials ng palasyo.
Tatlo nang miyembro ng gabinete ayon kay Pangilinan ang kumokontra sa alegasyon ni Aguirre bagay na nakapagpapasira aniya sa kredibilidad nito.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno