Pina iimbestigahan ng Minority Senators in Aid of Legislation ang isyu ng conflict of interest laban kay Solicitor General Jose Calida.
Sa Senate Resolution 560 na isinampa nina Senate Minority Floorleader Franklin Drilon, Senador Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes, Risa Hontiveros at Leila de Lima.
Isinusulong nilang imbestigahan ng Senate Committee on Civil Services and Government Reorganization ang nabunyag na 150 hanggang 261 Million Pesos na security service contract na nakuha sa ibat ibang ahensya ng gobyerno ng security agency na pagma may ari ng pamilya ni Calida.
Iginiit ng minority Senators na ang nakaupong Solicitor General ay mayruong integridad, disente at walang anumang bahid ng katiwalian dahil ito ang kumakatawan sa gobyerno at sa publiko sa Korte.