Naniniwala ang minorya ng mga Pilipino na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Base sa naging resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, nito lamang buwan ng Setyembre ay umabot sa 30% ng mga Pilipino ang positibo, habang 45 naman ang nagsabing mananatili ang kanilang buhay sa gitna ng pandemiya.
Pitong porsyento naman ang nagsasabi o naniniwalang mas magiging malala ang kanilang buhay sa susunod na taon habang nasa 14% naman ng mga respondent ang hindi nagbigay ng kanilang sagot.
Ayon sa SWS, ang net personal optimism score ay nasa +26, na classified bilang high habang ang naturang grade naman ay apat na puntos na mababa mula sa very high score na +30 na naitala noong Hunyo 2021 survey.—sa panulat ni Angelica Doctolero