Pormal nang hinirang bilang House Minority Leader ng 18th Kongreso si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante
Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pulong ng Minority Bloc isang araw matapos ihalal si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker kahapon
27 mambabatas mula sa Minorya ang nagkaisang i-upo si Abante bilang House Minority Leader matapos matalo sa pagka-speaker na nakakuha ng 28 boto
Batay sa House Rules, awtomatikong magiging bahagi na ng Minorya ang isang natalo sa pagka-speaker ng Kamara at pagbobotohan naman ng Minority Bloc ang kanilang magiging pinuno