Pinayuhan ng minorya sa kamara si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa pagpapapasok ng third player sa telecommunication industry ng bansa.
Ito ay dahil malaki ang posibilidad na maging banta sa seguridad ang pagpasok ng foreign Telco.
Inihalimbawa ni House Minority Leader Danilo Suarez ang Estados Unidos na hindi pinapasok ang mga Telco ng China tulad ng Huawei at ZTE matapos ang nakuha nilang intelligence report na banta ito sa kanilang national security dahil sa posibleng pag-e-espiya.
Bagaman maganda anya ang ideya sa pagtanggap ng dayuhang Telco dahil dismayado na ang mga Pilipino sa mabagal na internet, nagbabala si Suarez na dapat pa ring maging maingat.
Nilinaw naman ng Kongresista na wala silang plano sa minorya na harangin ang pagpasok ng bagong player sa bansa pero kanilang hihilingin sa Committee on National Defense and Security na suriing mabuti ang nasabing issue lalo’t nakasalalay dito ang national security ng bansa.