Sinabayan ng Simbahang Katoliko ang panawagan ni Pope Francis ng sabayang panalangin para sa kapayapaan.
Ang ‘Minute for Peace’ na panawagan ng Santo Papa ay bilang paggunita sa anya’y makasaysayang paghaharap nina Israeli President Shimon Peres at Palestinian President Mahmoud Abbas sa Vatican Gardens kasama ang Santo Papa noong June 8, 2014.
Nais naman ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas na isama sa panalangin ang halos tatlong linggo nang labanan sa Marawi City na naging ugat para ideklara ang martial law sa Mindanao.
By Len Aguirre | With Report from Aya Yupangco