Tinawagan ng pansin ng Miriam College (MC) ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa paggamit nito ng mga larawan ng mga estudyante ng paaralan ng walang pahintulot mula sa mga ito na ginamit sa isang online forum.
Ayon kay MC President Laura del Rosario, kinuha ng NTF-ELCAC mula sa kanilang opisyal na website ang mga larawan nang walang pahintulot na gamitin mula sa kanila para sa isang online forum nitong Enero via Facebook.
Dagdag ni Del Rosario, may caption na “Makakasama natin ang mga student leaders mula sa iba’t-ibang unibersidad upang talakayin ang isyu sa Redtagging, DND-UP Agreement, at Anti-Terror Act of 2020 ” ang naturang post kung saan nakabandea ang larawan ng mga high school students ng paaralan.
Kaugnay nito, nagpadala na ang MC ng sulat sa NTF-ELCAC nitong Mayo 10, kalakip ang pakiusap tanggalin ang mga larawan ng estudyante.