Ilang beses tumakbo sa pagka-presidente ang tinaguriang Iron Lady of Asia na si Miriam Defensor-Santiago sa bansa ngunit ilang beses din siyang natalo.
Bakit nga ba hindi manalo-nalo ang yumaong si Miriam Defensor-Santiago bilang presidente?
Tara, alamin natin.
Year 1992 nang unang hinangad ni Miriam Defensor-Santiago na maging pangulo ng Pilipinas.
Ngunit isang taon bago ang araw ng halalan, nasangkot siya sa aksidente sa sasakyan at nakaligtas at nanguna sa mga survey.
Ang kaniyang pangunguna sa mga unang araw ng pagbibilang ng boto mula sa mga lalawigan ay tumagal ng ilang linggo, gayunpaman, ang former Defense Chief Fidel Ramos ang idineklara na nagwagi na nangunguna sa isang milyong boto.
Noong 1998, tumakbo siyang muli para sa pagkapangulo ngunit nagtapos sa ika-7 sa isang 10-way race.
Fast forward sa 2016, at ang ika-tatlong bid ni Senator Santiago para sa pagkapangulo ay mukhang hindi kasing-ganda ng kaniyang kampanya noong 1992 at sa huling pagkakataon, bigo pa rin siyang mapasakamay ang pinakamataas na pwesto sa bansa dahil na rin sa kaniyang iniindang sakit.
Malaki ang naging setback ng dating senador dahil sa kaniyang sakit na stage 4 cancer.
Dahilan para hindi siya madalas makita sa mga forum at debate – o kahit i-broadcast ang kanyang posisyon o opinyon sa mga isyu ng bayan.
Kilala si Santiago sa kanyang matitinding komento sa mga isyu. Dahil dito, ang feisty Lady Senator ay minamahal ng media at ng kabataan kahit noong unang pagkakataon na tumakbo siya bilang presidente noong 1992 ay tila nawala dahilan para isipin ng publiko na hindi ito seryoso sa pagtakbo, ayon sa mga political analyst.
Si Santiago ay isang malakas na kandidato. Siya ay may matatag na kaalaman sa mga isyu at batas, dahil sa kanyang mga academic at professional backgrounds.
Ang kulang sa kanyang kampanya ay ang excitement na ipinakita niya sa nakalipas na dekada – kanyang mga salita at ideya na pumukaw sa mga talakayan, kontrobersya at sa Philippine media.
Masasabi mo bang si Miriam Defesor-Santiago ang the best president we never had?