Pinangalanan na ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang kanyang magiging running mate sa 2016 elections.
Ayon kay Santiago, si Senador Bongbong Marcos ang kanyang ka-tandem sa eleksyon.
Sinabi ng senadora na kapwa nila pinili ni Marcos ang isa’t isa para maging magkatambal.
Bukas, nakatakdang maghain ng certificate of candidacy si Santiago habang noong Martes pa nakapag-file ng COC si Marcos.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)