Magdaraos ng misa si Pope Francis para pangunahan ang selebrasyon ng mga Pilipino sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ayon kay Fr. Ricky Gente ng Filipino chaplaincy sa Rome, isasagawa ang naturang misa ng Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa ika-14 ng Marso, ganap na alas-10 ng umaga.
Makakasama ng Santo Papa sina Cardinal Luis Antonio Tagle na Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, at Cardinal Angelo De Donatis na Vical General ng Roma.
Dahil naman sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), limitado lang ang papayagang dumalo sa misa.
Habang ang mga hindi naman makakapasok dito ay pinapayuhang tumutok sa kanilang livestream.