Nag-alay ng misa ang mga taga-Tacloban para sa mga nasawi sa pagsalanta ng isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan, ang Bagyong ‘Yolanda’ noong 2013.
Isinagawa ang misa sa Holy Cross Memorial Gardens , ang mass grave site para sa libu-libo kataong nasawi nang manalanta ang Bagyong ‘Yolanda’, anim na taon na ang nakakaraan.
Matapos ang misa ay nag-alay ang kani-kanilang pamilya ng kandila para sa mga namayapa nilang mahal sa buhay, samantalang nagpakawala naman ng mga kalapati ang pamahalaang lokal bilang simbolo ng pagkakaisa.