Suspendido ang public masses sa 32 parokya sa Cubao Diocese sa harap ng paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon sa Roman Catholic Diocese of Cubao, suspendido ang mga misa hangga’t nasa ilalim ang Metro Manila sa Alert level 3 na magtatapos sa Sabado, January 15.
Kabilang sa mga simbahang nagsuspinde ng misa ang Holy Family Parish – Kamias; Parish of the Lord of Divine Mercy – Sikatuna; Nativity of the Lord Parish – Cubao; Christ the KING Parish – Project 7;
The Immaculate Conception Cathedral of Cubao; Sacred Heart Parish Shrine – Kamuning; Diocesan Shrine of Sto. Niño – Bago Bantay; National Shrine of Our Lady of Lourdes – Retiro at San Roque Parish – Bagumbayan.