Ititigil pansamantala ang pagsasagawa ng misa sa mga simbahan sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pagsasailalim ng NCR sa Enhanced Community Quarantine dahil sa pag-iingat sa banta ng Delta variant sa publiko.
Nauna nang itinigil ang physical masses sa kamaynilaan nitong Linggo dahil nasa GCQ with heightened restriction ang nasabing rehiyon.
Ayon kay Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, tatlong Linggo nila itong isasagawa.
Apektado rin ang mga binyag at kasal. — sa panulat ni Rex Espiritu.