Wala pa ring isasagawang misa sa mga Simbahang Katoliko ngayong araw ng linggo, bagama’t nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon sa Catholic Bishop’s of the Philippines (CBCP), nananatiling bawal ang malawakang pagtitipon gaya ng misa batay sa umiiral na patakaran ng MECQ.
Anila, maaari lamang isagawa ang isang religious activities kung nasa limang tao lamang nasa loob ng simbahan.
Ngayong linggo, magkakasunod na ipagdiriwang ang maraming piyesta sa iba’t-ibang parokya sa Metro Manila kabilang ang St. Joseph Parish sa Gagalangain Tondo, Our Lady of Peace and Good Voyage sa Tondo, Nuestra Senora De Gracia sa Makati at Our Lady of the Abandoned sa Mandaluyong.
Gayunman, magiging simple lamang ang selebrasyon para sa mga ito kung saan gaganapin ang mga aktibidad online.