Bawal muna ang pagdaraos ng public masses simula ngayong araw, ika-31 ng Hulyo, hanggang ika-20 ng Agosto.
Ito’y bilang tugon sa desisyon ng gobyerno na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa susunod na linggo.
Sa magkahiwalay na abiso, inanunsiyo ng dioceses ng Pasig, Cubao, Novaliches, Parañaque, at Caloocan at Archdiocese of Manila ang suspensiyon ng public masses sa mga simbahan at kapilya sa loob ng halos tatlong linggo.
Dahil dito, pansamantala ay gagawin munang virtual ang mga misa para maiwasan ang pagkakaroon ng mass gatherings at mapigil ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.