Makakaranas ng siyam na oras na power interruption ang Misamis Oriental bukas, Agosto 12.
Batay sa abiso Ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, magsisimulang mawalan ng kuryente ang naturang lugar mula 8:00 hanggang 5:00 ng hapon.
Ito ay bunsod ng isasagawang testing sa high voltage equipment sa Lugait-Pagawan at Lugait-Patag lines sa Lugait substation.
Tiniyak naman ng NGCP na hindi na hahaba pa sa siyam na oras ang power interruption.
Red alert status sa Visayas idineklara ng NGCP
Idineklara ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang red alert status sa Visayas matapos na kapusin ang suplay ng kuryente dulot pa rin ng mga pagkasira ng ilan sa kanilang units dahil sa lindol sa Leyte.
Ayon sa NGCP, umabot lamang sa 1847 megawatts ang available capacity ng kuryente kaninang 1:00 hanggang 2:00 ng hapon gayung ang peak demand ay 1903 megawatts.
Samantalang 1722 megawatts ang available capacity ng kuryente ngayong 7:00 hanggang 9:00 ng gabi ngunit inaasahang aabot sa 1843 megawatts ang peak demand.
Dahil dito, ilang lugar sa Visayas ang nakararanas ng rotational brownout ngayong araw na tatagal hanggang mamayang 9:00 ng gabi.