Tinatayang dalawandaang (200) kilo ng mishandled frozen meat ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang palengke sa Quezon City.
Ang mga nasabing karne na hindi nakalagay sa maayos na chiller containers ay mula sa Commonwealth at Novaliches Market na ininspeksyon ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office at Quezon City Swat Team.
Ayon sa mga otoridad, may kakaibang amoy na at kulay ang mga nakumpiskang karne na umano’y itinapon ng ibang bansa sa Pilipinas.
Ang mga nasabing mishandled frozen meat ay nagkakahalaga ng P20,000.00 hanggang P25,000.00.