Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kaniyang sariling misis sa Imus City, Cavite
Kinilala lang sa alyas na Maribel, 28-anyos
Tumakas naman ang suspek matapos isagawa ang krimen na kinilala sa alyas na Arnold
Sa imbestigasyon ng mga pulis, naganap ang insidente kung saan kasalukuyang nasa trabaho ang biktima sa nasabing mini-resto bilang kahera nang biglang dumating ang asawa nito na dalang patalim.
Agad na tinungo ng suspek ang pwesto ng kaniyang misis at walang sabi-sabing inundayan ng sunud-sunod na saksak.
Duguang humandusay ang biktima habang agad na tumakas ang suspek.
Posible umanong matinding selos ang nagtulak sa nasabing mister kung kaya nito napatay ang kaniyang misis.