Pinagsasaksak at sinunog pa ang isang babae ng kaniyang sariling asawa sa Cainta Rizal.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Lolita Samoranos Contiga ng Block 5, Anak Pawis floodway, Cainta habang ang suspek naman ay napag-alamang si Joel Contiga.
Sinabi ni Senior Police Officer 1 Jeffrey Azueta ng Cainta Police Station na itinali at 5 beses na pinagsasaksak ni contiga ang asawa bago ito sunugin sa kanilang kuwarto.
Bukod dito, inatake rin ng suspek ang 2 iba pa bago tumakas.
Samantala, sinabi naman ni Felix Catalogo, ang tiyuhin ng suspek na droga ang pinag-ugatan ng away ng mag-asawa na nauwi sa pagpatay.
Dahil sa krimen, nahaharap ngayon si Contiga sa kasong murder, double attempted murder at arson.
By: Allan Francisco