Kung ano talaga ang nangyari habang bumibyahe, alamin.
Habang lumilipad mula sa Henderson, Nevada papuntang Monterey, California, nangyari ang hindi inaasahan at nalagay sa isang posisyon ang 69-year-old real estate agent na si Yvonne Kinane-Wells na hindi niya pa nararanasan kahit kailan.
Habang nasa ere ay inatake sa puso ang 78-year-old niyang pilotong asawa na si Eliot Alper kung kaya naman tinawagan niya ang air traffic control upang humingi ng tulong sa pag-take over sa eroplanong minamaneho nito na nasa 5,900 feet ang taas.
Gamit ang radyo ay binigyan ng instructions si Yvonne ng air traffic control at sa kabutihang palad ay nagawa niyang mailapag ang eroplano sa Bakersfield Airport kahit pa wala siyang experience sa pagpapalipad ng aircraft.
Agad na nadala sa ospital si Eliot ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ito ng buhay.
Sa isang pahayag, sinabi ng Director ng airports ng Kern County na si Ron Brewster na ni minsan ay hindi pa siya nakakita ng ganoong insidente.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang pangyayaring ito?