Isinisi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang anya’y mismanagement sa West Philippine Sea.
Inisa-isa ni Lorenzana ang mga problema na anya’y kinakaharap ngayon ng Duterte administration dahil sa hindi magandang paghawak noon sa isyu ng nakaraang administrasyon.
Una anya ang kawalan ng trade sa China kung saan hindi nila binibili ang mga produkto ng Pilipinas, ang kawalan ng turistang Intsik sa Pilipinas at hindi nakakapangisda sa Scarborough Shoal ang mga Pilipinong mangingisda.
Ipinagmalaki ni Lorenzana na ngayon ay nakakapagbenta na ng saging sa China ang Pilipinas at doble na ang mga turistang galing sa China.
Sinabi ni Lorenzana na nakakapangisda na rin ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough maliban sa anya’y isolated incident sa Ayungin.
Idinagdag ni Lorenzana na handa siyang suportahan ang anumang diplomatic protest sakaling mapatunayang totoo ang report na hina-harass ang mga mangingisdang Intsik sa Scarborough.
Una rito, nabunyag na inaakyat ng mga Intsik ang mga bangkang pangisda ng mga Pilipino at kinukuha ang kanilang mga huling isda.
—-