Humingi ng paumanhin sa publiko ang Miss Planet International Organization makaraang iurong ang petsa ng nasabing kompetisyon.
Matatandaang una nang nanindigan ang organisyon na kanilang itutuloy ang kompetisyon na gaganapin sana sa Nobyembre a-19 sa Uganda pero ipinostpone ang worldwide competition.
Nabatid na bigong ilatag ng organisasyon ang mga requirements dahilan kaya inilipat sa January ng susunod na taon ang pageant na gaganapin naman sa Kingdom of Cambodia.
Nagpaabot naman ng dispensa ang Miss Planet International Organization sa mga delegada at kani-kanilang team dahil sa abalang idinulot ng kanselasyon.