Itinanghal na Miss Universe 2019 si Miss South Africa Zozibini Tunzi!
BREAKING: Zozibini Tunzi ng South Africa, kinoronahang #MissUniverse2019! https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/O8kMbwbVuH
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 9, 2019
Itinurn-over na ni Filipino pride at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang korona kay Zozibini sa ika-68 edisyon ng naturang patimpalak na isinagawa sa Atlanta ngayong Lunes, ika-9 ng Diyembre.
Bagong korona ang ibinigay kay Zozibini na tinaguriang ‘Power in Unity’ —inspirasyon ng naturang korona ang kalikasan, kalakasan, kagandahan, pagkababae at pagkakaisa na ginawa ng jewelry house na Mouawad.
Samantala, itinanghal namang first runner-up si Miss Puerto Rico na si Madison Anderson at second runner-up naman si Miss Mexico na si Sofia Aragon.
Sa ‘Final Word’ na bahagi ng pageant, kapwa tinanong ang tatlong finalists ng, “What is the most important thing we should be teaching young girls today?”
The most important thing we should be teaching young girls today is leadership. It’s something that has been lacking in young girls and women for a very long time, not because we don’t want to but because of what society has labeled women to be. I think we are the most powerful beings in the world and that we should be given every opportunity and that’s what we should be teaching these young girls to take up space. There is nothing more important than to take up space in the society.” sagot ng itinanghal na Miss Universe 2019.
Samantala, bagaman bigo na madepensahan ng pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados ang korona, nakasama naman ito sa Top 20 Finalists ng Miss Universe 2019.
Si Zozibini naman ang ikatlong nagwaging beauty queen mula sa South Africa —sumunod kina Demi-Leigh Nel Peters (2017) at Margaret Gardiner (1978).
Ph bigo sa Miss Universe 2019
Nabigo ang Pilipinas na makuha ang back-to-back win sa Miss Universe 2019.
Ito ay matapos na mabigo si Gazini Ganados na masungkit ang korona bagamat nakapasok ito sa top 20 sa pamamagitan ng wildcard.
Sa kanyang opening speech, ibinida ni Gazini ang kanyang adbokasiya sa pagtataguyod sa mga matatanda dahil malapit sa kanya ang naturang usapin lalo’t pinalaki siya ng kanyang lolo at lola.
Hindi naman sinuwerte si Gazini nang tawagin na ang top 10 sa sumunod na round. — sa panulat ni Rianne Briones