Muling masisilayan ng publiko ang mga Miss Universe title holders sa coronation night ng 2016 Miss Universe pageant sa Enero 30.
Ayon kay Tourism Undersecretary Kat de Castro, tila magsisilbi itong reunion ng mga dating Miss U na magsisilbi ring judge para sa nasabing patimpalak.
Kabilang sa mga tatayong judge sa coronation night sina 1994 Ms. Universe Sushmita Sen ng India, 2007 Miss Universe Riyo Mori ng Japan at 2011 Miss Universe Leila Lopez ng Angola.
Samantala, sasaksi rin sa nasabing okasyon sina 1991 Miss Universe Lupita Jones ng Mexico at si 1993 Miss Universe Dayanara Torres delegado ng Puerto Rico.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: dayanarapr / Instagram