Hindi nagpakabog si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa maraming Filipino celebrities na dumalo sa Mega ball 2022.
May tema ang event na “Glam Rock: A Performance of Style.”
Suot ang stunning silver corset dress na gawa ng fashion designer na si Anthony Ramirez, naging center of the show ang beauty queen.
Ayon kay Pia, kumuha siya ng ilang parte sa gown na sinuot niya sa opening ng Miss Universe pageant.
Hindi naman nito binigo ang Miss Universe Queen dahil maraming followers ang nagustuhan ang kaniyang look.
Isang annual event ang Mega ball kung saan host ang fashion magazine na Mega.