Dumating na kagabi sa Pilipinas si 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters kasama ang ilan pang kandidata sa nasabing pageant para sa gaganaping apat na araw na ‘tour’ ng dot o Department of Tourism o DOT.
Maliban kay Peters, nasa bansa na rin para lumahok sa aktibidad ng DOT si 2016 Miss Universe Iris Mittenaere na kinoronahan sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Hahatiin sa tatlong grupo ang mga beauty queens kasama na ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters na mabibigyan ng tour sa ilang bahagi ng bansa.
Unang maglilibot ang mga kandidata ng Miss univErse sa Intramuros at Luneta Park sa lungsod ng Maynila.
Pagkatapos ay magtutungo sina Nel-Peters kasama sina Miss USA, Miss India at Miss Singapore sa Batanes.
Darayo naman sa Bohol sina Iris kasama sina Miss Russia, Miss Netherlands, Miss South Korea, at Miss Canada.
Habang sasamahan naman ni Rachel sina Miss China, Italy, Great Britain, at Malaysia sa Camiguin.
Ms. Universe @DemiLeighNP arrived in Manila @dwiz882 pic.twitter.com/BgPNAogQyE
— Raoul Esperas (@raoul_esperas) December 5, 2017
Photo Credit: Raoul Esperas (Patrol 45)