Hindi na idadaos sa Pilipinas Ang Miss Universe 2017 Pageant.
Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Wanda Teo sa isinagawang International Conference on Sustainable Tourism for Development sa Balesin Island.
Ayon kay Teo, masyadong maaga pa dahil katatapos lamang itong ganapin sa bansa nito lamang Enero.
Dagdag ng kalihim, kailangan pang paghandaan ang darating na ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit ngayong Nobyembre.
By Krista De Dios