Nakatakdang magpulong ang Department of Tourism o DOT at Miss Universe organizers sa posibleng muling pag-host ng Pilipinas sa naturang beauty pageant.
Ayon kay Tourism Undersecretary Kat de Castro, isasabay na ang meeting sa Biyernes sa gaganaping charity event ng ilang Miss Universe contestant.
Aniya, nakakatuwa na sa mismong organizer nito nagmula ang ideya na muling gawin sa bansa ang naturang prestihiyosong pageant.
Posibleng inanunsyo kung matutuloy na ganapin dito ang Miss Universe 2017 bago matapos ang buwan.
By Rianne Briones
Miss Universe 2017 posibleng gawin muli sa Pilipinas was last modified: June 8th, 2017 by DWIZ 882