Inamin ngayon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na hiwalay na sila ng kanyang modelong boyfriend na si Clint Bondad.
Sinabi ni Catriona na single siya ngayon at nakatuon muna ang kanyang pansin sa kanyang tungkulin bilang Miss Universe.
Kwento ng beauty queen, bago pa man siya manalo ay nagkakaproblema na aniya sila ng kanyang nobyo.
Masasabi ni Catriona na hindi umubra ang anim na taong relasyon nila ng modelo. hanggang sa ngayon aniya ay hindi pa sila nakakapag usap ng kanyang ex-boyfriend.
Isa sa mga natutunan ni Catriona sa kanyang nakalipas na relasyon ay ang pagkakaroon ng komunikasyon.