Nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte si 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Nakipag-kita si Pangulong Duterte kay Gray sa Villamor Air Base sa Pasay City, kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang bouquet ng orchid’s ang iniabot ng pangulo sa beauty queen bilang pasasalamat sa pagkakasungkit sa korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.
Biyaheng New York naman si Catriona upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe.