Nasungkit ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang national costume award sa katatapos lang na Miss Universe 2024.
Nakuha naman ni Miss Universe Chile Emilia Dides ang 2nd place, habang 3rd place naman si Miss Universe Vietnam Ky Duyen Nguyen.
Nakapasok si Chelsea sa top 30 ng prestihiyosong pageant at itinanghal na Miss Universe Asia.
Ito ang back-to-back national costume win ng Pilipinas sa Miss Universe matapos ding manalo ni Michelle Dee nitong nakaraang taon. – Sa panulat ni John Riz Calata