Tuluy-tuloy ang pag i-enjoy ng mga kandidata ng Miss Universe.
Matapos magpalamig sa Baguio City kahapon, biyaheng Davao naman ang ilan sa mga kandidata ngayong araw na ito.
Bagamat maulan, pursigido ang DOT-Davao na maisagawa ang tapestry fashion show sa SMX Convention Center mamayang gabi bukod pa sa outdoor activity sa Eden Natures Park sa Toril, Davao.
Nakatakda ring rumampa ang mga kandidata ng Miss Universe suot ang mga damit pang tribo na habi sa tinalak, abaca at pinya na gawa ng Mindanao designers.
Kaagad namang babalik sa Metro Manila ang mga kandidata kapag natapos na ang mga aktibidad sa Davao City.
By Judith Larino
Photo Credit: @flypal