Nabili ng isang Thai billionaire ang Miss Universe Organization kasama ang dalawa pang USA-based pageants na miss USA at miss teen USA.
Hawak na ngayon ng JKN Global Group Public Company Limited o JKN Global Group PCL na pinamumunuan ng celebrity media tycoon at transgender rights advocate na si Jakapong “Anne” Jakrajutatip na ceo at biggest shareholder ng naturang kumpaniya.
Matatandaang ibinebenta ang nasabing organization sa halagang 20 million dollars o katumbas ng 1.1 billion pesos pero nabili lamang ito ng JKN company sa halagang 14 million dollars.
Ayon kay Jakapong, kanilang palalakasin ang nasabing organisasyon upang maipagpatuloy ang legasiya nito sa pagbibigay ng plataporma sa bawat indibidwal hindi lang sa ibat-ibang uri ng kultura, at tradisyon, kundi pati na rin sa pagpapaunlad nito para sa susunod pang henerasyon.
Sa darating na January 2023, nakatakdang ganapin ang Miss Universe 2022 sa New Orleans, Louisiana, America kung saan, inaasahang dadalo ang mga delegado mula sa walumput limang bansa kabilang na ang Pilipinas na pangungunahan ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.