Kinumpirma ng Department of Tourism na gaganapin sa bansa ang prestihiyosong Miss Universe pageant sa January 30, 2017.
Aminado si Tourism Secretary Wanda Teo na una ng tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal dahil sa laki ng gagastusin ng gobyerno sa pagho-host ng nasabing event.
Gayunman, nilinaw ni Teo na walang gagastusin ang pamahalaan dahil papasanin ng pribadong sektor ang 11 million dollar budget o tinatayang kalahating bilyong piso.
Malaki anyang tulong sa sektor ng lokal na turismo ang pagdaraos ng Miss Universe pageant sa bansa.
Pinagpipilian na kung sa Davao City, Cagayan de Oro City, Boracay, Cebu, Palawan at Vigan gaganapin ang pageant.
By Drew Nacino