Nakipag-isang dibdib na si Miss Universe Philippines 2021 2nd runner-up Steffi Rose Aberasturi sa kanyang long-time boyfriend na si Karl Arcenas.
Ginanap ang kanilang “intimate chapel wedding” sa Cebu kahapon, December 28, 2022.
Mababatid na na-engage si Steffi noong January 23, 2022 na birthday ng kaniyang nobyo.
Aniya, hindi niya alam na siya pala ang masosorpresa.
Sinabi rin ni Steffi na sa asiyam na buwan nilang magkarelasyon ay marami na rin silang pinagdaanang pagsubok.
Saad ng beauty queen, napaka blessed nito na mayroon siyang karl sa kaniyang buhay. —sa panulat ni Hannah Oledan