Iginiit ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na walang sumpa ang korona ng Miss Universe Philippines pagdating sa mga nanalong beauty queen o Miss Universe Philippines titleholders.
Ayon kay Rabiya, nagkakaroon ng opinyon ang publiko dahil sa sinapit ng buhay pag-ibig ng titleholders matapos makoronahan.
Kabilang sa mga beauty queen na kinoronahan at nakaranas ng break up sa kanilang pag-ibig ay sina Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao, Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon, Miss Universe 2018 Catriona Gray kabilang na ang nasabing beauty queen na hiwalay narin sa kaniyang ex-boyfriend na si Neil Salvacion matapos ang kanilang 6 na taong relasyon.
Nito lamang Martes ay kinumpirma rin ng Cebu-based performance disc jockey na si Kate Jagdon na hiwalay narin sila ni Miss Universe Philippines 2021 bea Luigi Gomez matapos ang 6 na taon din nilang pagsasama.
Sinabi pa ni Rabiya na nagiging big deal ang breakup ng mga titleholder dahil public figures sila at hindi dahil sa may kakambal na sumpa ang korona. —sa panulat ni Angelica Doctolero