Itinigil na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kaniyang paghahanap sa kaniyang biological father na isang Indian National na sinasabing naninirahan ngayon sa Chicago, America.
Matatandaan na limang taong gulang pa lamang si Rabiya nang mawalay ito sa kaniyang ama at tanging ang kaniyang ina ang nagpalaki sakaniya sa Iloilo.
Ayon kay Rabiya, nang siya ay manalo sa National Pageant ay mas lumaki ang kaniyang pag-asa na makikita niya ito pero hanggang sa ngayon ay wala paring impormasyon na nakakarating sakaniya tungkol dito.
Sa kabila nito, naniniwala si Rabiya na ginawa niya ang kaniyang makakaya para sa kaniyang ama.
Sa ngayon, umaasa parin ang Beauty Queen na magiging masaya at kumpleto ang kaniyang pamilya sa pasko. —sa panulat ni Angelica Doctolero