Nakatakdang rumampa sa BYS fashion week si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Magsisimula ang event ngayong araw hanggang sabado na kauna-unahang bys fashion week ng Australian cosmetics brand sa Pilipinas, bilang paggunita ng kanilang ika-10 anibersaryo.
Mismong ang Miss Universe Philippines organization ang nagbahagi ng ulat sa kanilang instagram account na may caption na “Philippines are you ready? We are!”
Ang tatlong araw na fashion event ay magpapalabas ng bagong local designers na nakilala sa mundo ng fashion at beauty.