Sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na handa siyang magbayad ng buwis sa kaniyang kinita sa patimpalak.
Ang pahayag na ito ni Wurtzbach ay kasunod ng mga naunang paalala ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares sa Beauty Queen kaugnay ng obligasyon nito sa buwis.
Pagmamalaki ni Wurtzbach, hindi niya nakaliligtaan ang pagbabayad ng kaniyang buwis gaya ng iba pang manggagawa sa bansa.
Sa katunayan aniya, simula pa lamang nang magwagi siya sa Binibining Pilipinas hanggang sa magtungo siya sa Estados Unidos ay hindi niya kinakalimutan ang tungkulin niya sa buwis.
Kaya lang, nilinaw ni Wurtzbach na hindi maaaring patawan ng buwis ng pamahalaan ang kaniyang korona o itong gem-encrusted crown na nagkakahalaga ng $300,000.
Ito’y dahil pinahiram lamang aniya sa kaniya ang korona bilang kasalukuynag Miss Universe.
By: Allan Francisco