Nanawagan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa lahat na fans ng Miss Universe na tigilan na ang away.
Kaugnayan ito ng kontrobersiya sa coronation night kung saan mali ang inanunsyong nanalo ng host na si Steve Harvey.
Unang idineklara ni Harvey na panalo si Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arevalo bago na-realize ang pagkakamali dahil ang totoong Miss Universe ay si Wurtzbach ng Pilipinas.
Sinabi ng Filipina-German beauty queen na ang Miss Universe Organization ay tungkol sa pagkakaisa ng empowered women sa buong mundo at ang pag-aaway aniya at batuhan ng masasakit na salita ay hindi sang-ayon sa isinusulong ng organisasyon.
Nabatid na nagkampihan ang mga fans kung saan pakiramdam ng mga supporters ni Gutierrez ay inagawan ito ng korona kahit na hindi totoong nanalo.
Inaway din ng mga fans ni Miss Colombia si Wurtzbach habang ang mga Pinoy naman ay kinuyog ang ilang candidates na nagmaliit sa pambato ng Pilipinas at nagsabing hindi ito deserving manalo.
By Mariboy Ysibido